Biyernes, Oktubre 26, 2012

Maikling Kwnto...sariling gawa

Zinary
(Di natapos na daigdig)

Ang mundo ay hindi lamang nagsisilbing tirahan ng tao, nasakop din nito ang ibat ibat ibang daan tungo sa ibang dimensyon. Itoy maituturing na isang sagradong na lihim na walang sino mang tao and dapat makaalam upang manatili ang balanse at di na magulo ang bawat sistema na kinabibilangan ng tao at ng mga Zackon.

Ang Zackon ay tawag sa mga kakaibang nilalang na nakatira sa Zinary. Ang mundong ito ay binubuo lamang ng tatlong elemento, ang tubig,hangin at apoy. Malaki ang pinagkahawig nito sa mundo ng tao subalit di ito makikitaan ng lupa ang lugar na ito. Lahat ng bagay ay nakalutang ngunit nasa ayos ang lahat. Ang mga Zackon naman ay malaiki ang pagkakahawig sa mga tao, ngunit may pakpak at purong itim ang kanilang mga mata. May kakayahan silang gumamit ng mahika ngunit may hangganan rin ito. Mayroon silang batas na dapat sundin at ang kabuuan nito ay maiuuri sa dalawa. Una, bawal ang pumonta sa daigdig ng mga tao at makipagkomunikasyon sa di kauri at ang ikalawa ay hiwag gumawa ng ikasasama ng Zinary at ng kapwa Zackon. Mahigpit itong pinapatupad ng mga pantas at ang padlabag sa kaukulang batas ay may mabigat na kaparusahan.

Ang daigdig ng zinary ay maituturing na paraiso, puno ng magagandang tanawin at walang polusyon. Kahit walang lupa ay may nakalutang naman na malalaking bato na nagsisilbing Tirahan ng mga Zackon. NAgagawa nila itong pagandahin dahil na rin sa kakayahan nila at angking galing sa pag uukit. Ang lahat ng kanilang makakain ay nangagaling sa tubig kayat mahusay sila sa paglangoy. Ang bawat isa ay may kakayahan lamang na kontrolin ang isang elemento at dapat itong gamitin sa tamang pagkakataon at pamaraanan. Bihira lamang sa isang Zackon na magkaroon ng kakayahan na kontrolin ang elemento ng lupa. 

Isa sa natatanging Zackon ay si Jayzone, may kakayahan siyang kontrolin ang lupa kaya kilala siya sa Zinary. Dahil dito ay di maiwasan na maging tampulan siya ng tukso at atensyon. Ang sitwasyon ni Jayzone ang nag udyok sa kanya na makipagsapalaran sa mundo ng tao upang mahasa niya ang kanyang angking talento. Alam niya na di ito madali at di ito lingit sa kaalaman ni Neaj, ang kaibigan ni Jayzone na may lihim na pagtingin sa kanya.

Sa Zinary ay may tradisyon na pagsapit ng ika-20 kaarawan ng isang Zackon ay kailangan nitong magpakasal at bumuo ng pamilya. Ng sumapit ang araw na ito sa buhay ni Jayzone ay napilitan siyang pakasalan si Neaj. Laking tuwa naman ni Neaj sa naging desisyon ni Jayzone.Nabuhayan ng pag asa si Neaj na matutunan siyang mahalin ni Jayzone. Ngunit ang pag asang ito ay naging malabo ng may aksidenting mapadpad ang isang tao sa Zinary. Palutang lutang ito sa tubig at nakita ito nina Neaj at Jayzone. Hindi mapigilan ni Jayzone na humanga sa kagandahan ng dalaga na nagnggangalan Rona.  Kinopkup ito ng mag asawa at hinintay na magising upang alamin kung paanu siya nakarating sa Zinary. Pag mulat ng mata nito ay agad siyang namangha sa nakita. Di naglaon ay naging komportable sa Rona sa magandang pakikitungo nina Neaj at Jayzone.

Ayon sa kwento ni Rona , nalaman ni Jayzone kung papaano makapunta sa mundo ng mga tao.Napagdesisyunan niya Jayzone na sumama kay Rona pabalik sa mundo ng mga tao. Labag man sa kagustuhan ni Neaj ay hinayaan niya na si Jayzone na gawin ang gusto nito. Sa pag alis nila ay ang tanging pinanghahawakan ni Neaj ay ang pangako ni Jayzone na babalik ito.

Lumipas ang mga araw at linggo at matiyagang naghihintay sa pagbabalik ni Jayzone, ngunit di maiaalis ang pag aalala sa iniirog. Kung ano anu na ang kanyang naiisip na may masama ng nangyari sa asawa. Habang sa kabilang mundo ay nagsasama na pala sina Jayzone at Rona. Hindi alam ni Jayzone na bawat sandali na kontrolin nya ang lupa ay katumbas nito ang unti unting pagkawala ng kanyang memorya at kasama na dito ang pangako kay Neaj. Sa pagkawala ng tuloyan ng kanyang alaala ay si Rona ang nasa tabi niya at tinuruan siya nitong umibig at mamuhay tulad ng isang normal na tao. Hindi naman sila nahirapan sapagkat mula ng nakarating sila sa mundo ng tao ay naging normal si Jayzone, nawala ang kanyang pakpak at ang mata niya ay naging normal.

Sa kabilang banda ay di na napigilan ni Neaj na pumunta sa mundo ng mga tao upang tuklasin kung ano na ba talaga ang nangyari kay Jayzone. Katulad ng nangyari kay Jayzone ay naging normal na tao si Neaj at agad niyang hinanap si Jayzone. Laking gulat niya ng masaksihan ang kataksilan ng dalawa ngunit pinigilan niya ang kanyang galit ay pinilit na alamin ang katotohanan Kay Jayzone. Napag alaman niya na nawala ng alala nito at inakala niyang sinadya ito ni Rona upang maagaw sa kanya ang kanyang asawa .

Sa sobrang sakit ay nakagawa ng maling desisyon si Neaj. Pinatay niya si Rona at ng mapag laman ito ni Jayzone ay agad nitong kinitil ang sariling buhay. Hindi lubos maisip ni Neaj ang pangyayari at mistulang nawala ito sa katinuan, dumating sa punto na kinitil niya rin ang kanyang buhay sapagkat wala na ang kanyang inibig.

Nauwi sa isang masalimuot na trahedya ang buhay ng tatlong tao dahil sa pag ibig, kasakiman at kataksilan. Nagsimula lamang sa mapangahas na pangarap ng isang Zackon at nagtapos sa galit ng isa ring Zackon.